Mga Salawikain - Page 64
Salawikain #442
Kung ano ang kahoy siyang bunga.
Salawikain #443
Kung saan ang hilig ng kahoy, doon ang buwal.
Salawikain #444
Kapag wala ang pusa naglalaro ang mga daga.
Salawikain #445
Nakakatulad mo'y pusang nabanlian
Tubig mang malamig ay tinatakbuhan.
Salawikain #446
Walang malaking nakapupuwing;
walang maliit na nakahihirin.
Salawikain #447
Huwag sukat maniwala sa mga sabi at wika -
patag na patag man ang lupa sa ilalim ay may lungga.
Salawikain #448
Sa puso ng saging ay hintayin ang piling,
upang malaman mo ang bungang kakanin.