Mga Salawikain - Page 66
Salawikain #456
Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib
Salawikain #457
Walang halaga ang sandata na di ginagamit sa pakikibaka.
Salawikain #458
Sa biruan nagmumula ang alitang malulubha,
Titis kasi palibhasa na lumilikha ng siga.
Salawikain #459
Ang sigaw ay malapit;
Ang bulong ay malayo ang sapit.
Salawikain #460
Maliit man daw ang sili, ay may anghang na sarlli.
Salawikain #461
Mapipilit ang maramot, ang hindi'y ang walang sinop.
Salawikain #462
Ang lahat, may kasukat.