Mga Salawikain - Page 67
Salawikain #463
Kung ano ang haba, siyang sukat;
kung ano ang laki siyang bigay.
Salawikain #464
Pag nasunog ang kusinaan, damay pati kabahayan.
Salawikain #465
Matalas man ang tabak, mapurol din kung nakasakbat.
Salawikain #466
Ang taong mabait walang nagagalit.
Ang taong masama, walang natutuwa.
Salawikain #467
Hindi sa lahat ng panahon ang tao'y marunong.
Salawikain #468
Ang ikinatatalo ng sino't alinman
ay ang guniguning takot sa kalaban.
Salawikain #469
Ang tunay na katapangan
ay nakikita sa larangan.